Ang "Metro Manila" ay isang magandang pelikula na nagbukas sa maraming isipan ng mga manonood. Ito ay isang kwento ng isang lalaki at ng kanyang pamilya, na kung saan dahil sa kahirapan sa probinsya ay nakipagsapalaran sa maynila,umaasa na sa lugar na iyon ay makakaranas sila ng maginhawang buhay.Ang pelikulang ito ay nagmulat sa maraming pilipino dahil pinasilip nito ang moralidad ng pamumuhay sa Metro Manila.
Tunay na maganda ang kwento, ang mga dialogue, ang cinematography, ang mga flash back, at ang mga karakter sa pelikula.Ngunit mapapansin mo ang hilaw na pagarte ng mga artista. May mga eksena sa pelikula kung saan ang bigat ng mga dialogue na binibitawan ngunit walang impact sa mga manood dahil sa pinakita nilang pagarte. Kapansin pansin din ang mababang kilidad ng audio, may mga linya sila na halos hindi na maintindihan. Hindi rin gaano kaganda ang pagpapalit ng mga eksena. Bagamat ganon, naging maganda pa rin ang kinalabasan ng pelikula. Kahit hindi sikat ang mga artista na nagsipagganap ay pumatok pa rin ito sa maraming pilipino. Naging espesyal din ang pelikula dahil hindi sila natakot na ipakita ang tunay na kalagayan ng mga tao sa metro manila.Pinakita rito kung gaano kahirap ang paghahanap ng trabaho dito sa atin, pinakita rito ang mga ibat ibang krimen at kung paano kumakapit ang mga kababayan natin sa patalim.
Maraming pinakitang aral satin ang pelikulang ito.Minulat nito ang mga natutulog na diwa ng mga pilipino.Pinasilip ang ugat ng kahirapan at krimen.Ang istorya nila Oskar at ng kanyang pamilya ay nagrerepresinta sa marami nating kababayang pilipino. Nagsilbing aral ito sa lahat na dapat tayo ay maging matapang at matatag sa kahit anong problemang ibato sa atin ng buhay.
No comments:
Post a Comment