Handa na ang aking papel.Pati ang aking panulat ay handa na rin.Marami ng papel ang nilamukos,tinta ng aking ballpen ay malapit ng maubos.Ngunit nananatili pa rin ang tanong sa aking utak,bakit? Bakit nga ba ako nagsusulat.
Naalala ko pa nung ako ay maliit pa.Kinukuha ko sa aking kuya ang kanyang lapis,kuryisidad sa kanyang ginagawa.Noon hindi ko pa talaga alam ang sagot kung bakit ba tayo nagsusulat.Ngunit ngayon,sa paglipas ng panahon,unti unti ko ng naiintindihan kung ano ang kahalagahan ng pagsulat.Dahil dito naiilalabas ko ang lahat.Kung wala akong matakbuhan,andyan ang lapis at papel na aking masasandalan.Kung hindi ko man mailabas ang galit,sakit at inis,sa pagsulat ay malaya ko itong gawin.Kapag may magandang nangyari,nakahanda agad ang papel at lapis.
Nakita ko ang kahalagahan ng pagsulat hindi lang dahil nailalabas ko dito ang aking saloobin kung hindi marami rin itong kaalaman at aral na hatid.Napakahilig kong magbasa ng mga libro at nagpapasalamat ako sa mga sumulat nito.Marami ang nakakakuha ng inspirasyon mula rito.Sabi nga nila ang panulat ay mas makapagyarihan kaysa sa tabak.Tunay nga ito.Napaka makapangyarihan nga ng pagsulat.
No comments:
Post a Comment