Maraming aral ang binigay sa atin ng buhay.Isa na rin dito ang magtiwala sa ating sariling kakayahan.Walang impossible basta magtiwala ka lang.Hindi masama ang mangarap,ang masama yung hanggang pangarap ka na lang.Mangarap ng mataas sa kabila ng mga balakid at problema na binabato sa atin ng buhay .Susi ang determinasyon at pagsisikap.Magugulat ka na lang isang araw mangyayari ang iyong hindi inaasahan.Hayaan ninyo akong patunayan ito,makinig sa aking kwento,ito ay isang panaginip ngunit hindi malabong magkatotoo.
Umaga noon at ako ay naghahanda na sa pagpasok.Naupo muna ako saglit at nanood sa telebisyon.Bumungad sa akin ang magagandang tinig nila Lea Salonga,Regine Velasquez at ang datin kong kaklase na si Yna.Pagkatapos ng kanilang performance ay tumugtog naman ang isang awitin at lumabas ang Gforce kasama sila Cena at Patola.Sila ay sikat na sa larangan ng pagsayaw.Nilipat ko muna saglit sa ibang channel at doon naman ay may sikat na programa at ang magaling na host na si Kristal Jane Lontoc.Kapanayam nya ngayon ang apat na lalaki na kinahuhumalingan ngayon ng mga kababaihan.Sa sobrang gwapo nga nila ay natalo na nila ang bts,exo, at Westlife.Sino po ba kundi ang dating f4 sa aming klase na sina Apin,Raguro,Camposo,at ang pinakakontrobesyal sa lahat na si Lacsamana.Napapabalitaan daw kasi na sya ay ikakasal na sa kanyang psychologist na kasintahan na si Ashley Chua.Natutuwa na ako sa aking pinanood ng may kumuha ng remote at nilipat ito sa sport and action.Saktong ka tri-tri points lang nun ng isang magaling na NBA player na si Entac.Nang matapos ang laro ay nilipat muli sa ibang channel kung saan may kinakapanayam na isang champion at gold medalist sa badminton.Nakaka proud,ito ang high caliber na si Goron.Nandoon din ang kanyang no.1 na tagasurporta.Hindi ko nga alam kung kaibigan nya lang ito o ka IBIGAN,walang iba kundi si Miles Dela Rosa.Pagkapatalastas ay saktong ang palabas ni Vice ganda kung saan kasama nya doon si Asher na tinalo na ang kasikatan ni Awra.Ang aking dating kaklase ay isa na sa tinitingalang artista.
Tumayo na ako sa pagkakaupo at umalis.Sa aking paglalakad ay napadaan ako sa isang sikat na gym na pagmamay ari ni Quilalang,dito malaya nyang fini flex ang kanyang muscle at kapogian.Papasok pa sana ako para sya'y kamustahin ngunit sobrang dami ng tao at mga bading.Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakasalubong ko doon ang mayamang magasawa.Si Mico at ang kanyang pitong buwan na buntis na asawa na si Alexandra.Natutuwa ako dahil hindi nila ako kinalimutan,kinuha pa nga nila ako bilang ninang.Pagkatapos magkamustahan ay nagpatuloy na ako sa paglalakad at ako ay nakaramdam ng gutom ,sakto at mayroon doong isawan.Nagulat ako ng nandun pala sila Nelson at Carandang,kinakausap pala nila ang kanilang pinapaaral na syang nagtitinda sa isawan.Napansin ko na bagay pala sa kanila ang suot nilang uniforme.Ang pagiging sundalo ay bagay na bagay sa kanila.Nang mauhaw ako ay pumunta ako sa 7eleven kung saan andun si Yabut,hindi para magcamping.Kundi para antayin si Elijah,na isa ring psychologist na gaya nya at ang kanilang magasawang kliyente na si Trishia at Dacquial.Nagpaalam na ako sa kanila ng makabili na ako ng tubig.Sakto at ang modelo ng tubig na ng aking binili ay ang nangunguna dati sa aming klase na si Ronaldo.Hindi lang sya isang modeli,isa rin sya sa kilalang psychologist sa buong mundo.
Sa aking patuloy na paglalakad ay napadaan ako sa pulis station,doon nagtatrabaho bilang pulis sila Joanly,Gilbert,Noemi,Pabatang ,at ang brusko kong kaklase na si Peter.Nakakamangha dahil kasama nila doon sina Gapud at Abella,na noon ay panay tulog lang sa aming kaklase at nasa mataas na ranggo na ng kapulisan ngayon.Napadaan din ako sa isang Ospital kung saan nakita ko si Regine at Darunday,mukhang katatapos lang ng duty nila.Sumilay ang ngiti sa aking labi ng napagtanto ko na pinagpatuloy nila ang kanilang hangarin.Malayo man ang strand na kinuha namin noon sa propesyon nika ngayon,maganda na ang kanilang pangarap na maging nurse ay kanilang pinagpatuloy.Sa tabi ng ospital ay may mental naman doon.Nakita ko ang mga naggagandang magkakaibigan na sila Janina(na nakapag asawa ng isang Montefalco)Irish,Miline(na isang sikat na flight attendant),Joan(na isa ng nurse) at Aira.Nakakatuwa na sila ay magkakaibigan parin hanggang ngayon at natupag na nila ang kanilang mga pangarap na propesyon.Hindi ko na naitanong kung bakit sila nasa mental dahil sila ay sabay sabay na pumasok na,naiwan lang doon si Aira dahil mukhang nakikipagtalo pa sa kanyang nobyang pulis na si Anthony Delgado.
Sa sobrang saya ko sa kanilang narating nakalimutan ko na dadalaw pala muna ako sa aking kaibigan sa presinto.Malayo pa lamang ay rinig ko na ang kanyang nakakarinding boses.Walang iba kundi si Zachys Orquia.Salamat na nga lang at sya ay nakalaya na.Hindi sya kriminal na nakalaya sa pagkakakulong.Nakalaya sya sa dikta ng kanyang pamilya.Ngayon sya ay isang ganap ng broadcaster.Marahil nagtataka kayo kung anong ginagawa nya dito sa presinto.Narito sya dahil nandito ang kanyang pulis na asawa na si Harvey Nieva.Umalis na ako agad dahil baka nakakaistorbo ako sa lambingan nilang magasawa.
Pulis,sundalo,artista,nurse,broadcaster,mang aawit,psychologist.Nakakataba ng puso na minsan ko rin sila nakasama sa saya,inis,tuwa,hirap,at lungkot.Napakaswerte dahil sa high school life sila ay nakasama ko.Kung ang iba man ay makalimot at hindi na ako magawang ngitian pag nakasalubong.Sapat na siguro ang mga masasayang alaala at mga aral na hatid nila na habang buhay kong babaunin kahit magkakaiba man ang landas na tatahakin namin.
Sumilay muna ako sa langit bago tuluyang umalis ngunit nasilaw ako sa araw at sa sinag nitong hatid.Hudyat na pala iyon na tapos na ang aking panaginip.Pagkamulat ng aking mata ay tila na sa iba na akong daigdig.Ako ay nasa isang magandang opisina na puno ng dokumento at papel.Nagulat na lamang ako ng may pumasok at nag wika "Magandang umaga,andito na iyong kliyente Attorney Paula".
No comments:
Post a Comment