Saturday, March 7, 2020

Lahat ng Karanasan ay may Hatid na Aral


 
    Lahat tayo ay may kanyang kanyang karanasan.Panget man ito  o maganda,lahat ay may hatid na aral.Mabibigat man ang naging karanasan natin sa buhay ang mahalaga ay mayroon kang natutunan.Hindi na mahalaga na alalahanin ang lahat ng pangyayari,hindi na mahalaga ang mga detalye,ang importante ay nahubog ka ng karanasang ito.

     Marami na rin akong napagdaan at naging karanasan sa buhay na patuloy kong pasasalamatan hanggang ngayon dahil pinatibay nito ako at natuto.Isa sa mga karanasan na may naging aral sa akin ay iyong tumakbo ako bilang SSG secretary ng aking paaralan.Sobrang mahiyain na talaga ako bata pa lamang.Maski pag ngiti sa aking nakakasalubong ay hindi ko magawa.Sa klase naman ay ni hindi ko magawang itaas ang aking kamay para makasagot sa recitation dahil sa ako ay nahihiya.Kaya hindi talaga pumasok sa isip ko ang tumakbo bilang SSG ng aking paaralan.Nagulat na lang ako isang araw,nasa harap na ako ng maraming estudyante  at pinapalakpakan,Nanalo na pala ako bilang SSG ng aking paaralan.Salamat sa pagkakataon na ito ,marami akong nakilala at nakasalamuha.Napakasarap pala sa pakiramdam  na paglingkuran ang mga kapwa mo magaaral.Siguro kung pinangunahan ako ng hiya ay hindi ko mararanasan ang mga ito.Hindi ko mararanasan maging masaya at matuto


    Ang aral na nakuha ko mula rito ay yung magtiwala ka sa sarili mong kakayahan.Wag na wag mong lilimitahan ang kaya mong gawin.Ilan lamang ito sa mga karanasan ko na naghubog sa aking pagkatao.Lahat ng karanasan,nakapagpapaiyak man o nagpapasaya satin.Ito pa rin ay karanasan na may hatid na aral sa bawat isa satin.Hindi ko man mantandaan kung ano at paano nangyari ang lahat,ang mahalaga ay nakakuha ako ng aral mula rito at natuto. -paula gapas

No comments:

Post a Comment