Monday, March 9, 2020

Bakit Ako Nagsusulat?





Handa na ang aking papel.Pati ang aking panulat ay handa na rin.Marami ng papel ang nilamukos,tinta ng aking ballpen ay malapit ng maubos.Ngunit nananatili pa rin ang tanong sa aking utak,bakit? Bakit nga ba ako nagsusulat.

Naalala ko pa nung ako ay maliit pa.Kinukuha ko sa aking kuya ang kanyang lapis,kuryisidad sa kanyang ginagawa.Noon hindi ko pa talaga alam ang sagot kung bakit ba tayo nagsusulat.Ngunit ngayon,sa paglipas ng panahon,unti unti ko ng naiintindihan kung ano ang kahalagahan ng pagsulat.Dahil dito naiilalabas ko ang lahat.Kung wala akong matakbuhan,andyan ang lapis at papel na aking masasandalan.Kung hindi ko man mailabas ang galit,sakit at inis,sa pagsulat ay malaya ko itong gawin.Kapag may magandang nangyari,nakahanda agad ang papel at lapis.

Nakita ko ang kahalagahan ng pagsulat hindi lang dahil nailalabas ko dito ang aking saloobin kung hindi marami rin itong kaalaman at aral na hatid.Napakahilig kong magbasa ng mga libro at nagpapasalamat ako sa mga sumulat nito.Marami ang nakakakuha ng inspirasyon mula rito.Sabi nga nila ang panulat ay mas makapagyarihan kaysa sa tabak.Tunay nga ito.Napaka makapangyarihan nga ng pagsulat.


Ang Kanyang Hirap At Pangarap









Nagising na naman ako sa ingay ng kumukulong tubig at sa amoy ng matapang na kape.Pagkamulat na aking mata ay naaaninag ko na ang kanyang pulang uniforme,ang kanyang tindig,ang kanyang nangungulubot at  kulay kayumangging balat na halatang babad sa initan,at ang kanyang mukha na may bakas ng pagod at pagkapuyat.Sanay na ako sa aking nasasaksihan,madalas talaga syang magising ng maaga para kumayod.Tumayo na ako sa aking pagkakahiga,at ng makita nya ang aking pagtayo mula sa kama ay binati  nya ako agad ng "magandang umaga anak,anong gusto mong almusal?"

Napakasarap gumising ng umaga kung ito sayo ay bubungad.Napakasarap magpursige sa pagaaral kung sya ang gagawin mong inspirasyon.Hindi nakakapagod tuparin ang yung mithiin kung isa  sya sa dahilan kung bakit ka nagpapatuloy.

Ang aking ama,ang napakasipag kong ama.Bagamat sya ay matanda na ay todo kayod sa pagpapasada para suportahan ang aming pagaaral.Hinaharap ang peligro sa kalsada,tinitiis ang pagod at init,tinitiis ang ugali ng kanyang pasahero,tinitiis ang gutom at kakulungan ng tulog, at  pinagtitiyagaan ang maliit na kuha sa pagtataxi.Lahat ng ito ay kanyang ginawa para sa pangarap ko,para sa pangarap nya sakin at para sa pangarap naming dalawa,Ang makapagtapos ng abogasya.

Nakikita ko ang hirap nya at ang tangi ko lang kayang gawin para masuklian ito,ay galingan ko sa aking pagaaral.Nakikita ko kung gano sya kasaya sa tuwing may dinadala akong  parangal at medalya.Isinasabit nya pa nga ito sa aming dingding at pinagmamalaki sa tuwing may bibisita sa amin.Kapag wala naman syang pasok ay pinupunasan nya ang mga ito.Sa tuwing ako ay nagaaral sa exam ay dinadalhan nya ako ng mainit na chokolate sa aking kwarto at pagkauwi galing sa school ay halik nya agad ang bubungad sakin at magwiwika ng "mukhang pagod ang aking anak ah,halika at ikaw ay kumain na"

Hindi sya na papagod na ipakita araw araw ang kanyang tiwala sakin,ang tiwala na kaya kong gawin ang pangarap naming dalawa.Hindi pa man ako nakakatungtong sa kolehiyo ay pinagmamalaki nya na ako.

Nang minsan kami ay nagkausap,gusto nya daw na kapag ako ay nakapagtapos ay bibilhan ko sya ng bukirin at magaalaga daw sya ng mga hayop sa probisya.Aminado kasi sya na mahina na ang kanyang katawan at maipapahinga nya na  ito kapag ako ay nakapagtapos sa kolehiyo.

Na sana ay bumilis na ang takbo ng oras.Na sana ay pagmulat ng aking mata ay hawak ko na ang diploma.Para hindi ko na makita pa ang ilang taong pagpapagod ng aking ama.Para hindi nya na kailangan pang magbabad sa initan at tiisin ang hirap.

Naniniwala ako na darating ang  araw na  sya ay hihiga na sa malambot na kama,kakain ng masasarap na pagkain,at magbabakasyon sa kung saan nya man gustong naiisin.Naniniwala ako ng masusuklian ko din ang kanyang  paghihirap.Matutupad din balang araw ang pangarap naming dalawa.Hindi man ngayon,pero sa tamang panahon.

Saturday, March 7, 2020

Ang aking 12 HumSS 01




        Maraming aral ang binigay sa atin ng buhay.Isa na rin dito ang magtiwala sa ating sariling kakayahan.Walang impossible basta magtiwala ka lang.Hindi masama ang mangarap,ang masama yung hanggang pangarap ka na lang.Mangarap ng mataas sa kabila ng mga balakid at problema na binabato sa atin ng buhay .Susi ang determinasyon at pagsisikap.Magugulat ka na lang isang araw mangyayari ang iyong hindi inaasahan.Hayaan ninyo akong patunayan ito,makinig sa aking kwento,ito ay isang panaginip ngunit hindi malabong magkatotoo.

        Umaga noon at ako ay naghahanda na sa pagpasok.Naupo muna ako saglit at nanood sa telebisyon.Bumungad sa akin ang magagandang tinig nila Lea Salonga,Regine Velasquez at ang datin kong kaklase na si Yna.Pagkatapos ng kanilang performance ay tumugtog naman ang isang awitin at lumabas ang Gforce kasama sila Cena at Patola.Sila ay sikat na sa larangan ng pagsayaw.Nilipat ko muna saglit sa ibang channel at doon naman ay  may sikat na programa at ang magaling na host na si Kristal Jane Lontoc.Kapanayam nya ngayon ang apat  na lalaki na kinahuhumalingan ngayon ng mga kababaihan.Sa sobrang gwapo nga nila ay natalo na nila ang bts,exo, at Westlife.Sino po ba kundi ang dating f4 sa  aming klase na sina Apin,Raguro,Camposo,at ang pinakakontrobesyal sa lahat na si Lacsamana.Napapabalitaan daw kasi na sya ay ikakasal na sa kanyang psychologist na kasintahan na si Ashley Chua.Natutuwa na ako sa aking pinanood ng may kumuha ng remote at nilipat ito sa sport and action.Saktong ka tri-tri points lang nun ng isang magaling na NBA player na si Entac.Nang matapos ang laro ay nilipat muli sa ibang channel kung saan may kinakapanayam na isang champion at gold medalist sa badminton.Nakaka proud,ito ang high caliber na si Goron.Nandoon din ang kanyang no.1 na tagasurporta.Hindi ko nga alam kung kaibigan nya lang ito o ka IBIGAN,walang iba kundi si Miles Dela Rosa.Pagkapatalastas ay saktong ang palabas ni Vice ganda kung saan kasama nya doon si Asher na tinalo na ang kasikatan ni Awra.Ang aking dating kaklase ay isa na sa tinitingalang artista.

     Tumayo na ako sa pagkakaupo at umalis.Sa aking paglalakad ay napadaan ako sa isang sikat na gym na pagmamay ari ni Quilalang,dito malaya nyang fini flex ang kanyang muscle at kapogian.Papasok pa sana ako para sya'y kamustahin ngunit sobrang dami ng tao at mga bading.Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakasalubong ko doon ang mayamang magasawa.Si Mico at ang kanyang pitong buwan na buntis na asawa na si Alexandra.Natutuwa ako dahil hindi nila ako kinalimutan,kinuha pa nga nila ako bilang ninang.Pagkatapos magkamustahan ay nagpatuloy na ako sa paglalakad at ako ay nakaramdam ng gutom ,sakto at mayroon doong isawan.Nagulat ako ng nandun pala sila Nelson at Carandang,kinakausap pala nila ang kanilang pinapaaral na syang nagtitinda sa isawan.Napansin ko na bagay pala sa kanila ang suot nilang uniforme.Ang pagiging sundalo ay bagay na bagay sa kanila.Nang mauhaw ako ay pumunta ako sa 7eleven kung saan andun si Yabut,hindi para magcamping.Kundi para antayin si Elijah,na isa ring psychologist na gaya nya at ang kanilang magasawang kliyente na si Trishia at Dacquial.Nagpaalam na ako sa kanila ng makabili na ako ng tubig.Sakto at ang modelo ng tubig na ng aking binili ay ang nangunguna dati  sa aming klase na si Ronaldo.Hindi lang sya isang modeli,isa rin sya sa kilalang psychologist sa buong mundo.
     
    Sa aking patuloy na paglalakad ay napadaan ako sa pulis station,doon nagtatrabaho bilang pulis sila Joanly,Gilbert,Noemi,Pabatang ,at ang brusko kong kaklase na si Peter.Nakakamangha dahil kasama nila doon sina Gapud at Abella,na noon ay panay tulog lang sa aming  kaklase at nasa mataas na ranggo na ng kapulisan ngayon.Napadaan din ako sa isang Ospital kung saan nakita ko si Regine at Darunday,mukhang katatapos lang ng duty nila.Sumilay ang ngiti sa aking labi ng napagtanto ko na pinagpatuloy nila ang kanilang hangarin.Malayo man ang strand na kinuha namin noon sa propesyon nika ngayon,maganda na ang kanilang pangarap na maging nurse ay kanilang pinagpatuloy.Sa tabi ng ospital ay may mental naman doon.Nakita ko ang mga naggagandang magkakaibigan na sila Janina(na nakapag asawa ng isang Montefalco)Irish,Miline(na isang sikat na flight attendant),Joan(na isa ng nurse) at Aira.Nakakatuwa na sila ay magkakaibigan parin hanggang ngayon at natupag na nila ang kanilang mga pangarap na propesyon.Hindi ko na naitanong kung bakit sila nasa mental dahil sila ay sabay sabay na pumasok na,naiwan lang doon si Aira dahil mukhang nakikipagtalo pa sa kanyang nobyang pulis na si Anthony Delgado.

      Sa sobrang saya ko sa kanilang narating nakalimutan ko na dadalaw pala muna ako sa aking kaibigan  sa presinto.Malayo pa lamang ay rinig ko na ang kanyang nakakarinding boses.Walang iba kundi si Zachys Orquia.Salamat na nga lang at sya ay nakalaya na.Hindi sya kriminal na nakalaya sa pagkakakulong.Nakalaya sya sa dikta ng kanyang pamilya.Ngayon sya ay isang ganap ng broadcaster.Marahil nagtataka kayo kung anong ginagawa nya dito sa presinto.Narito sya dahil nandito ang kanyang pulis na asawa na si Harvey Nieva.Umalis na ako agad dahil baka nakakaistorbo ako sa lambingan nilang magasawa.

 Pulis,sundalo,artista,nurse,broadcaster,mang aawit,psychologist.Nakakataba ng puso na minsan ko rin sila nakasama sa saya,inis,tuwa,hirap,at lungkot.Napakaswerte dahil sa high school life sila ay nakasama ko.Kung ang iba man ay makalimot at hindi na ako magawang ngitian pag nakasalubong.Sapat na siguro ang mga masasayang alaala at mga aral na hatid nila na habang buhay kong babaunin kahit magkakaiba man ang landas na tatahakin namin. 
    
     Sumilay muna ako sa langit bago tuluyang umalis ngunit nasilaw ako sa araw at sa sinag nitong hatid.Hudyat na pala iyon na tapos na ang aking panaginip.Pagkamulat ng aking mata ay tila na sa iba na akong daigdig.Ako ay nasa isang magandang opisina na puno ng dokumento at papel.Nagulat na lamang ako ng may pumasok at nag wika "Magandang umaga,andito na iyong kliyente Attorney Paula".

Panunuring Papel ng Pelikulang "Metro Manila"



Pagtatanggol sa Sariling Wika Tungkukin ng Bawat Pilipino

     



         Ano ba para sa iyo ang wika?Ito pa ba ay mahalaga sa iyo?Kaya mo bang gawin ang lahat upang maipagtanggol ito?O tuluyan ng nawala ang tungkulin mo bilang pilipino?Ayon nga sa aking aklat na binasa .Ang wika ay isang kultura at ang kultura naman ay ang yaman ng ating bansa.Kaya napakahalagang ingatan ito,ipagmalaki,tangkilikin,at ipreserba.

   
     Hindi natin masisi ang panahon.Ang teknolohiya ay patuloy na umuusbong.Maraming wikang banyaga na ang nakilala at ang ating sariling wika ay  tila nawalan na ng halaga.Asignaturang Pilipino sa kolehiyo ay ayaw na.Ngunit handang pagaralan kung ang paguusapan ay wika ng korea.Kaya napakataas ng tingin ko sa mga taong hanggang ngayon ay gumagawa ng hakbang upang ang ating wika ay ipreserba.Naalala ko pa ang isang kandedata sa Miss.Universe na pinilit na ang wikang pilipino ang isagot sa tanong sa kanya.Nilait at pinagtawanan man sya ng iba,makikita mo ang saya sq kanyang ginawa.Tungkulin talaga naman natin ito bilang pilipino.Ipagtanggol ang wikang minana pa natin sa ating mga ninuno.Ang wika ay ating identipikasyon,dahil dito may sariling kapapagkilanlan tayo.Alam kong hindi natin kayang pantayan ang ginawa ng ating mga bayani,ang akin lamang ay  ang wika ay dapat patuloy na ipagmalaki.
          Kung ako ang tatanungin ,paulit ulit kong sasabihin na kahit anong gawin,ang aking wika ay ipagtatanggol at patuloy na mamahalin.Dahil ako ay pilipino,ito ay ang aking gampanin at tungkulin.

Lahat ng Karanasan ay may Hatid na Aral


 
    Lahat tayo ay may kanyang kanyang karanasan.Panget man ito  o maganda,lahat ay may hatid na aral.Mabibigat man ang naging karanasan natin sa buhay ang mahalaga ay mayroon kang natutunan.Hindi na mahalaga na alalahanin ang lahat ng pangyayari,hindi na mahalaga ang mga detalye,ang importante ay nahubog ka ng karanasang ito.

     Marami na rin akong napagdaan at naging karanasan sa buhay na patuloy kong pasasalamatan hanggang ngayon dahil pinatibay nito ako at natuto.Isa sa mga karanasan na may naging aral sa akin ay iyong tumakbo ako bilang SSG secretary ng aking paaralan.Sobrang mahiyain na talaga ako bata pa lamang.Maski pag ngiti sa aking nakakasalubong ay hindi ko magawa.Sa klase naman ay ni hindi ko magawang itaas ang aking kamay para makasagot sa recitation dahil sa ako ay nahihiya.Kaya hindi talaga pumasok sa isip ko ang tumakbo bilang SSG ng aking paaralan.Nagulat na lang ako isang araw,nasa harap na ako ng maraming estudyante  at pinapalakpakan,Nanalo na pala ako bilang SSG ng aking paaralan.Salamat sa pagkakataon na ito ,marami akong nakilala at nakasalamuha.Napakasarap pala sa pakiramdam  na paglingkuran ang mga kapwa mo magaaral.Siguro kung pinangunahan ako ng hiya ay hindi ko mararanasan ang mga ito.Hindi ko mararanasan maging masaya at matuto


    Ang aral na nakuha ko mula rito ay yung magtiwala ka sa sarili mong kakayahan.Wag na wag mong lilimitahan ang kaya mong gawin.Ilan lamang ito sa mga karanasan ko na naghubog sa aking pagkatao.Lahat ng karanasan,nakapagpapaiyak man o nagpapasaya satin.Ito pa rin ay karanasan na may hatid na aral sa bawat isa satin.Hindi ko man mantandaan kung ano at paano nangyari ang lahat,ang mahalaga ay nakakuha ako ng aral mula rito at natuto. -paula gapas